Bebot, todas sa landslide
@Balitang Probinsiya | July 12, 2022
BATAAN—Patay ang 27-anyos na babae nang matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang bahay kamakalawa sa Bgy. Gabon, Abucay.
Ang biktima ay kinilalang si Roselyn dela Cruz, residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, kalakasan ng buhos ng ulan nang magkaroon ng landslide sa naturang barangay at natabunan ang bahay ng pamilyang Dela Cruz.
Nabatid na agad nai-rescue ng mga residente ang mga kapamilya ni Roselyn, pero ang biktima ang matinding natabunan ng gumuhong lupa.
Napag-alamang umabot pa ng halos isang oras bago natagpuan si Roselyn at kaagad itong dinala sa pagamutan, pero idineklarang dead-on-arrival.



Comments