top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Bebot pinatay ng ex-boyfriend

  • BULGAR
  • Jun 2, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | June 2, 2022


ILOCOS SUR–Isang 25-anyos na dalaga ang pinatay ng kanyang dating nobyo kamakalawa sa Bgy. Tamag, Vigan City.


Nakilala ang biktima na si Jeza Arola, samantalang ang suspek ay si Dennis Rakel, 27-anyos, kapwa residente sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, gustong makipagbalikan ni Rakel kay Arola, pero tumanggi ang dalaga kaya sinakal ng suspek ang biktima.


Nang masaksihan ng mga kamag-anak ni Arola ang pananakal sa biktima ay humingi sila ng tulong sa pulisya, pero pagdating ng mga awtoridad ay patay na ang dalaga.


Kaagad nadakip ng pulisya ang suspek na natakadang sampahan ng kasong murder.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page