top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Bebot natagpuang patay sa bundok

BULGAR
Oct 7, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 7, 2022


CEBU—Isang babae ang natagpuang patay kamakalawa sa bundok na sakop ng Bgy. Mabasa, Danao City.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Ma. Sofia Olaguir, nasa hustong gulang, nakatira sa Bgy. Sandayong Norte sa nabanggit na lungsod.


Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa ibabang bahagi ng bundok sa nasabing barangay.


Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad ay posible umanong nadulas si Olaguir sa bundok ay tumama ang ulo sa bato kaya ito namatay.


Gayunman ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matiyak na walang naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page