Bebot na miyembro ng NPA, sumuko
@Balitang Probinsiya | June 19, 2022
PALAWAN–Isang babaeng miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko kamakalawa sa pamahalaan sa Bgy. Poblacion, Taytay.
Para sa kanyang seguridad ay hindi pinangalanan ang sumukong komunista.
Nabatid na isinuko rin ng NPA member sa mga awtoridad ang mga dala nilang baril at mga subersibong dokumento.
Ayon sa sumukong NPA, nais na niyang magbagong-buhay kaya nagpasya siyang sumuko sa gobyerno.
Samantala, isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang sumukong NPA upang masigurong bukal sa kanyang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.



Comments