top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Bebot muntik ma-rape

  • BULGAR
  • Sep 7, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | September 7, 2022


PALAWAN—Isang 22-anyos na dalaga ang muntik ma-rape ng hindi kilalang lalaki kamakalawa sa Bgy. San Miguel, Puerto Princesa City.


Ang biktima ay itinago sa pangalang "Elsa", call center agent at residente sa nabanggit na barangay.


Ayon sa biktima, pasado alas-2:00 ng madaling-araw habang natutulog siya ay nagising siyang may tumabi sa kanyang kama at tinangka siyang gahasain.


Nabatid na sumigaw at humingi ng saklolo ang biktima kaya nakatakas ang suspek.


Sa imbestigasyon ay sa bintana ng kuwarto ni "Elsa" pumasok ang suspek at sa ngayon ay pinaghahanap na ng mga awtoridad ang naturang manyakis na nagtangkang gumahasa sa biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page