Batang babae, natagpuang patay sa ilog
- BULGAR

- Jul 9, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | July 9, 2020
COTABATO CITY—Isang 2-taong gulang na batang babae ang natagpuang patay kamakalawa habang nakalutang sa ilog na sakop ng Bgy. Kalanganan 2.
Ang biktima ay kinilalang si Marissa Ayob, residente ng Bgy. Matilak, Mother Kabuntalan, Maguindanao.
Ayon sa ulat, isinama umano ang bata ng kanyang ina nang maglaba ito sa ilog, pero bigla umanong tinangay ng malakas na agos ng tubig ang biktima.
Kaagad sumaklolo ang mga residente, pero nabigo silang i-rescue ang biktima.
Napag-alamang makalipas ang ilang oras ay natagpuan ang nakalutang na bangkay ng biktima sa ilog na sakop na ng Cotabato City.



Comments