Bangkay ng kelot natagpuan
@Balitang Probinsiya | May 26, 2022
QUEZON – Isang hindi kilalang lalaki ang natagpuang patay kamakalawa sa matalahib na lugar sa bayan ng Lopez sa lalawigang ito.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga tauhan ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa nabanggit na lugar.
Agad ipinagbigay-alam ng mga residente sa pulisya ang pagkakatagpo nila sa bangkay.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad ay posible umanong atake sa puso ang ikinamatay ng biktima dahil wala namang palatandaan na ito ay pinatay.



Comments