Bangkay ng kelot, lumutang sa dagat
@Balitang Probinsiya | August 16, 2022
PALAWAN—Isang bangkay ng hindi kilalang lalaki ang natagpuang nakalutang kamakalawa sa dagat na sakop ng Bgy. Buenavista, Puerto Princesa City.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima.
Nabatid na ilang mangingisda ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na nakalutang sa nasabing karagatan.
Kaagad ipinagbigay-alam ng mga mangingisda sa pulisya ang tungkol sa pagkakatagpo nila sa bangkay ng biktima.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman kung namatay sa lunod o may foul play sa pagkamatay ng biktima.



Comments