Search
  • BULGAR

Bangkay ng bata, natagpuan sa balon

@Balitang Probinsiya | June 23, 2020



CAPIZ — Isang batang babae ang natagpuang patay kamakalawa habang nakalutang sa balon ng Bgy. Dulangan, Pilar.

Sa kahilingan ng pamilya ng biktima ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang batang babae na 2 taong gulang.

Ayon sa ulat, napuna ng mga magulang ng biktina na wala ito sa loob ng kanilang bahay kaya’t hinanap nila ang kanilang anak.

Nabatid na makalipas ang ilang oras na paghahanap ay natagpuan ng mga magulang ng biktima ang bangkay nito na nakalutang sa balon.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid kung aksidenteng nahulog sa balon at nalunod o kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.