top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Bangkay natagpuan sa gilid ng kalsada

BULGAR
Aug 22, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 22, 2022


QUEZON—Isang lalaki ang natagpuang patay kamakalawa sa madamong gilid ng kalsada ng Bgy. Silangang Malicboy, Pagbilao.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Arnold Pontiveros, nasa hustong gulang at residente ng Lucena City sa nabanggit na lalawigan.


Ayon sa ulat, isang residente ang nakakita sa bangkay ng biktima na may malaking sugat sa ulo sa madamong bahagi ng gilid ng kalsada.


Kaagad itong ini-report ng residente sa pulisya.


Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang sanhi ng pagkamatay ni Pontiveros, kung inatake ito sa puso at nabagok sa bato ang ulo o kung may naganap na foul play.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page