top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bangkay, natagpuan sa gilid ng kalsada

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 29, 2020
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | October 29, 2020



BAGUIO CITY—Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan kamakalawa sa gilid ng kalsada sa Circumferential Road, Bgy. Sto. Tomas Proper.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Erwin Tango, residente ng Kapangan, Benguet.

Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa gilid ng kalsada sa nasabing barangay.


Ayon sa mga kamag-anak ni Tango, nagtungo lang umano noong October 22, 2020 sa bayan ng La Trinidad ang biktima, pero hindi na ito nakauwi hanggang matagpuan ang bangkay nito sa Baguio City.


Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page