Banggaan ng motorsiklo at tricycle, 1 sugatan
@Balitang Probinsiya | August 3, 2022
PALAWAN—Sugatan ang lalaki nang aksidenteng magkabanggaan ang motorsiklo at tricycle kamakalawa sa Bgy. Antipuluan, Narra.
Ang biktimang nagmananeho ng motorsiklo ay nakilalang si Isidro Fernandez, 56-anyos, samantalang ang driver naman ng tricycle ay si Fernando Badilla, 57-anyos, kapwa residente sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, kapwa mabilis ang takbo ng motorsiklong minamaneho ni Fernandez at tricycle na minamaneho ni Badilla kaya aksidenteng nagkabanggaan ang dalawang sasakyan sa naturang barangay.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan si Fernandez, samantalang hindi naman nasugatan si Badilla.
Ginagamot na ngayon sa ospital ang mga biktima, at inaalam na ng mga awtoridad kung sino ang may pananagutan sa naganap na aksidente.



Comments