Bahay, tinupok ng apoy
@Balitang Probinsiya | August 16, 2022
CAMARINES SUR—Isang bahay ang tinupok ng apoy kamakalawa sa Bgy. Patong, Pamplona.
Ang nasunog na bahay ay pag-aari ni Geronimo Panteriore, nasa hustong gulang at residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakita umano ng mga residente na biglang sumiklab ang sunog sa nasabing bahay kaya tumawag sila ng bumbero at makalipas ang isang oras ay naapula rin ang apoy.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid ang sanhi ng sunog sa bahay ni Penteriore.



Comments