Search
  • BULGAR

Bahay nasunog, lola dedbol

@Balitang Probinsiya | June 29, 2020



ALBAY—Isang 92-anyos na lola ang namatay nang masunog ang kanilang bahay kamakalawa sa Bgy. Burgos, Daraga.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Estelita Arana, nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nag-iisa si Arana sa loob ng kanilang bahay nang sumiklab ang sunog.


Napag-alaman na mabilis kumalat ang apoy at na-trap si Arana kaya nasunog sa loob ng kanilang bahay ang biktima.


Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog na naging dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.