Bagets todas sa ligaw na bala
@Balitang Probinsiya | September 8, 2022
CAMARINES NORTE—Isang 17-anyos na binatilyo ang namatay nang tamaan ng ligaw na bala kamakalawa sa Bgy. Calabasa, Labo.
Ang biktimang nagtamo ng isang tama ng bala sa tagiliran ay nakilalang si Gremar Basto, nakatira sa naturang bayn.
Ayon sa ulat, habang nakikipagkuwentuhan si Basto sa kanyang mga kaibigan ay nakarinig sila ng putok ng baril at tumama ito sa biktima.
Nabatid na dinala pa ng mga residente si Basto sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek na nagpaputok ng baril.



Comments