Bagets patay sa kidlat
- BULGAR
- Jul 20, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | July 20, 2022
ILOCOS SUR—Isang 14-anyos na binatilyo ang namatay nang tamaan ng kidlat kamakalawa sa Bgy. Oaig-daya, Candon City.
Ang biktima ay kinilalang si Jerwin Agrosola, residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nasa bukid si Agrosola nang biglang bumuhos ang ulan at kasunod ang pagkidlat na tumama sa biktima.
Nabatid na nagtamo ng 3rgd degree burrs sa katawan at nawalan ng ulirat ang biktima.
Dinala ng mga residente ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments