- BULGAR
Bagets natagpuang patay sa irigasyon
@Balitang Probinsiya | August 31, 2022
AGUSAN DEL SUR—Isang 14-anyos na binatilyo ang natagpuang patay kamakalawa habang nakalutang sa irigasyon ng Bgy. Waloe, Loreto City.
Dahil menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima na residente sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, ilang residente ang nakatagpo sa nakalutang na bangkay ng biktima sa irigasyon sa nasabing lugar.
Nabatid na huling nakitang buhay umano ang biktima habang mag-isang naliligo sa irigasyon.
Wala namang nakitang foul play ang mga awtoridad, kaya ang hinala ng pulisya ay posibleng nalunod ang biktima habang naliligo sa irigasyon.