Bagets nalunod sa dagat
@Balitang Probinsiya | June 1, 2022
BATANGAS — Isang 14-anyos na binatilyo ang namatay nang malunod habang naliligo sa dagat na sakop ng Bgy. Lumaniag, Lian sa lalawigang ito.
Sa kahilingan ng pamilya ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang biktima.
Ayon sa ulat, naliligo umano sa dagat ang binatilyo nang mapagawi ito sa malalim na bahagi kaya nalunod ang biktima.
Agad sumaklolo ang mga residente, pero hindi agad nakita ang biktima.
Nabatid na matapos ang ilang minuto, ay lumutang ang walang malay na biktima kaya agad itong dinala sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.



Comments