Bading naglason
- BULGAR
- May 24, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | May 24, 2022
AKLAN – Isang bading ang nasa kritikal na kalagayan nang magtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng lason kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng New Washington sa lalawigang ito.
Sa kahilingan ng kanyang pamilya ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima.
Ayon sa ulat, ilang kamag-anak ng biktima ang nakatagpo sa bading na nangingisay habang bumubula ang bibig na palatandaang uminom ito ng lason.
Dahil dito, agad dinala ng kanyang mga kamag-anak ang biktima sa pagamutan.
Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang motibo ng biktima sa kanyang tangkang pagpapakamatay.



Comments