Backrider binoga ng armado
- BULGAR
- Jul 19, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | July 19, 2022
PALAWAN—Nasa kritikal na kalagayan ang isang backrider matapos barilin ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Poblacion 5, Coron.
Kinilala ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa likod na si Amper Jamer, 38-anyos, residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Noli Regondola, nasa hustong gulang, ang kanyang motorsiklo at kaangkas si Jamer ay biglang sumulpot sa likuran ang suspek at binaril sa likod ang biktima.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek.
Dinala ng mga saksi si Jamer sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan sa pagamutan.



Comments