Babaeng drug pusher, tiklo sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | August 24, 2022
AKLAN—Isang babaeng drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Numancia.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ma. Eugenia Mosquera, 36-anyos at residente ng nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments