top of page
Search
  • BULGAR

Armado tiklo sa KTV bar

@Balitang Probinsiya | July 26, 2022

CAMARINES NORTE—Isang lalaking armado ng baril ang dinakip ng pulisya kamakalawa sa loob ng KTV bar sa bayan ng Paracale.


Ang suspek ay itinago muna ng pulisya sa pangalang "Dan," 22-anyos at residente ng naturang bayan habang siya ay iniimbestigahan ng mga awtoridad.


Nabatid na nagsagawa ng "operation-bakal" ang pulisya sa loob ng nasabing KTV bar at nang kapkanan ang suspek ay nakumpiskahan ito ng .38 revolver at mga bala.


Kusa namang sumama sa mga awtoridad ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page