Anak tinodas ng erpat
@Balitang Probinsiya | August 30, 2022
ZAMBALES—Isang 35-anyos na anak ang namatay nang saksakin ng kanyang ama kamakalawa sa Olongapo City.
Sa kahilingan ng kanilang pamilya ay hindi na pinangalanan ang biktima at ang suspek.
Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ama na humantong para pagsasaksakin ng suspek ang biktima.
Kaagad dinala ng kanilang mga kamag-anak ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Kusang sumuko naman sa pulisya ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong parricide.



Comments