top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ama todas, anak sugatan sa pamamaril

BULGAR
Jul 19, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 19, 2022


AKLAN—Patay ang ama habang sugatan naman ang anak nito nang pagbabarilin ng isa nilang kapitbahay kamakalawa sa Bgy. Bigaa, Malinao.


Ang nasawi ay kinilalang si Jimmy Gregorio, 58-anyos, samantalang ang sugatan ay ang anak nito na si Lester, 17-anyos, kapwa residente sa nabanggit na barangay.


Nakilala naman ang suspek na si Ronnie Naig, nasa hustong gulang, na tumakas matapos ang pamamaril.


Ayon sa ulat, dati na umanong may alitan ang pamilyang Gregorio at Naig, at nang makita ng suspek ang mag-amang biktima ay agad silang pinagbabaril ng salarin.


Kaagad dinala ng mga saksi ang mag-amang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Jimmy.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page