top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ama, sinaksak ng anak

BULGAR
Jul 12, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 12, 2022


PALAWAN—Isang ama ang sugatan nang saksakin ng kanyang anak kamakalawa sa Bgy. Sicsican, Puerto Princesa City.


Nakilala ang biktimang nagtamo ng tama ng saksak sa kanang braso na si Reno Jesoro, 47-anyos, samantalang ang suspek ay ang anak niya na si Arjay, 19-anyos, kapwa residente sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nagkaroon umano ng pagtatalo ang mag-ama na humantong para maglabas ng patalim at saksakin ng suspek sa braso ang biktima.


Nabatid na kaagad rumesponde ang mga awtoridad kaya nadakip ang suspek.


Ginagamot na sa ospital si Reno. samantalang nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page