'Akyat-bahay gang' member wanted
@Balitang Probinsiya | October 17, 2022
PALAWAN—Isang miyembro ng "Akyat-Bahay Gang" ang pinaghahanap ng pulisya dahil sa pagnanakaw ng cellphone sa isang bahay kamakalawa sa Bgy. Panacan 2, Narra.
Hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktimang may-ari ng cellphone na residente sa nabanggit na barangay.
Nabatid na natutulog umano ang biktima nang looban ito ng suspek at tangayin ang kanyang cellphone.
Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya ang halaga ng cellphone na ninakaw ng suspek.
Kaugnay nito, naglunsad na ng manhunt operation ang pulisya para madakip agad ang magnanakaw.



Comments