top of page
Search
  • BULGAR

Aktres na ex-dyowa at ex-love team ng famous male celeb...

Biglang nag-disappear kahit sikat na sikat, nagtago pala abroad dahil nabuntis at nanganak, balik-‘pinas pero waley na career

@Kabit-Kabitz | August 9, 2020




Mga friendship! ‘Kaloka ang mga ganap this week. Bumalik na naman tayo sa MECQ at mukhang magtatagal pa ang pakana nitong si ateng Corona. Pero kahit balik team bahay tayo ay wit naman kayo mahuhuli sa mga chika dahil nandito na ang mainit na kabit-kabitz natin this week.



Manong Pastor

Kontrobersiyal na naman ang isang opisyal dahil sa binitawan nitong mga salita tungkol sa maselang isyu. Bukod sa pagiging mambabatas at sikat na atleta, isa na ring alagad ng Diyos si MANONG PASTOR.

Kaya marami ang nawarla nang sabihin nitong wit daw sey si Lord na bawal ang death penalty.

‘Kaloka, pati ang Diyos ginamit na sa pagsipsip! Mukhang hindi na talaga siya natuto. Sabi nga nila, “Less talk, less mistake.” Juskolord!



Ricky Galdon

Mukhang hindi naman lulusot ang mga pahayag ni MANONG PASTOR sa kasamahang si RICKY GALDON. Mukhang waley itong balak na pag-usapan ang subject matter sa kanyang komite.

How malas naman ni MANONG PASTOR and his minions. Pero mukhang mas minamalas si RICKY GALDON nang lumabas sa balita na halos lahat ng staff nito ay tinamaan ni ateng Corona. Mabuti nalang ay matibay-tibay ang sikmura nito at nakaiwas sa nakakatakot na sakit. In fairness!



Mr. Take Two

Magkaiba naman ang kapalaran ni RICKY GALDON at ng isa pa nitong kasamahang si MR. TAKE TWO. Nagulantang ang kanilang hanay nang lumabas ang chikang nag-positive na naman siya sa kanyang swab test!

Napabalita noon na dinapuan ng virus ang opisyal pero gumaling naman. Pero mabuti nalang at nagpa-test ulit ito at lumabas na negative na. Sa wakas ay tuluyan na siyang nilayasan ng sakit. Mabuti nalang at kung hindi ay mukhang kakabahan ang lahat ng kasamahan nito. ‘Kalerky!



Positibong komidyante

Tulad ni MR. TAKE TWO, tinamaan din ng sakit si POSITIBONG KOMIDYANTE at nag-big reveal siya sa kanyang vlog.

Na-sighting ng mga fans nito sa kanyang vlog ang mga sintomas na kanyang naramdaman, pati na rin ang pagkuha ng test at ang kompirmasyon na dumapo sa kanya si ateng Corona.

Pero ‘kaloka naman talaga sa social media at ginawa agad siyang patay! Pero sa true ay bumubuti na raw ang pakiramdam nito at on the way to recovery. Yes naman!



Dindo Diskarte

Kasamahan ni POSITIBONG KOMIDYANTE sa home network si DINDO DISKARTE na kamakailan ay nagdiwang ng kanyang ika-40 na kaarawan.

‘Kaloka! Kahit 40 years old na si kyah, mukhang yummy pa rin! Well, sikat na artista siya pero mukhang waley talagang appeal sa masa. Matagal na itong nangangarap na sumabak sa pulitika pero wit dating.

Mabait at matulungin siya at nagtayo pa ng delivery service upang tulungan ang mga friendships nito in showbiz na nawalan ng work. Mas oks siguro kung focus nalang siya sa pagkakawang-gawa at wit naman need ang posisyon kung gusto talagang tumulong. Support kami sa’yo, go!



Antonya Towns

Noong unang panahon ay sikat na sikat ang love team nina DINDO DISKARTE at ANTONYA TOWNS. At ang tandem nila ay nauwi sa totohanan. Matagal nang usap-usapan na may sikretong junakis daw ang dalawa kaya biglang nag-disappear si ‘te girl noon. Sa gitna ng kasikatan niya ay naisipan nitong makipagsapalaran sa ibang bansa.

Ang nasagap nating chika ay sa ibang bansa raw siya nagbuntis at nanganak at nagtago na rin ng matagal na panahon hanggang sa naisipan nitong bumalik sa ‘Pinas. Depensa niya ay gusto raw nitong subukan ang buhay sa ibang bansa, pero ang iniwanan nitong namamayagpag na career at bufra noon ay waley na ngayon. Ganern? Parang hindi ko buy ang chika ni ate girl. How fishy!



Clarisse Pampagulo

Tulad ni ANTONYA TOWNS, sinubukan din ni CLARISSE PAMPAGULO ang buhay sa ibang bansa. Pero mas may narating ang career niya dahil marami itong naging concerts at TV shows appearance noon sa abroad.

Pero na-shock ang lahat nang bigla itong umamin na isa pala siyang tiboli. At hindi pa riyan nagtatapos ang kuwento dahil talagang nagpaka-mentos na siya at nagpaopera na! Pero mukhang nega ang epekto nito sa kanyang career at unti-unting nawala ang kanyang mga projects. ‘Te este kyah pala, puwede naman paka-tiboli pero ‘wag naman sobra. Over!



Ayra Sige-na

Isa pang miyembro ng LGBT community tulad ni CLARISSE PAMPAGULO ay si AYRA SIGE-NA. Kilalang malapit kay Mr. President ang singer kaya nabigyan ng posisyon sa gobyerno.

Naging kontrobersiyal ang termino nito noong pinamunuan niya ang ahensiyang kumakatawan sa kabataan. May mga chika na nilustay daw nito ang pera ng ahensiya at naniningil ng daang libo para lang sa meryenda sa kanilang meeting.

Grabe! Pero mukhang may natitira pa rin naman siyang hiya sa katawan at nagpasya nalang na magbitiw sa puwesto. Mabuti naman at baka pagdating ng panahon ay hindi nalang string ng gitara ang himasin mo. Char!



Lolita Dito

Pareho naman ng sinusuportahan sina AYRA SIGE-NA at LOLITA DITO. Dahil sa pagiging loyalist ng mag-asawa ay pareho silang binigyan ng puwesto sa gobyerno. Si LOLITA DITO ay ang namumuno sa ahensiyang may kinalaman sa mga pelikula. Mukhang marami ang hindi type ang kanyang pamumuno, kaya tsinugi ito sa komite ng isang film festival dahil gusto niya itong pamunuan.

Napuno na rin ang miyembro ng komite at nagpasyang sipain nalang ito. Akala yata niya, uubra ang pagiging chummy nila ng boss para makuha ang kanyang gusto. Better luck next time nalang ‘te!



Tiyuhin Bulaga

Mukhang hindi naman pinalampas ni TIYUHIN BULAGA ang mga galawan ni LOLITA DITO. Bago naging mambabatas ay beteranong aktor at TV host ang lolo mo.

Kaya naman, nagbabala ito na ‘wag masyadong epal sa trabaho at kung hindi ay makakatikim ito nang panggigisa. Hinay-hinay lang naman kasi ‘te girl at ‘wag masyadong bwakaw.

Gayahin mo nalang si MANONG PASTOR na marunong lumugar kaya palaging andyan si TIYUHIN BULAGA to the rescue sa kapalpakan nito!

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page