9 katao sugatan sa karambola ng 3 sasakyan
@Balitang Probinsiya | October 10, 2022
PALAWAN—Siyam katao ang sugatan sa naganap na karambola ng mga sasakyan kamakalawa sa Bgy. Irawan, Puerto Princesa City.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pangalan ng mga biktimang driver at pasahero ng mga kotse, tricycle at trak na sangkot sa aksidente.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng kotse kaya bumangga ito sa sinusundang tricycle at pagkaraan ay bumangga rin sa kasalubong na trak.
Nabatid na dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital at kasalukuyan na silang ginagamot.
Sa ngayon ay nag-iimbestiga pa ang mga awtoridad sa naganap na aksidente.



Comments