7 bigtime tulak huli sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | September 6, 2022
BAGUIO CITY—Pitong bigtime drug pushers ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa isang drug den sa Quirino Hill.
Nakilala ang mga suspek na sina Lyca Kimmayong, Nhap Duyan, Clauide Baddan, Maribel Parica, Norilyn Bermudez, Jacky Bernardino at Norben Cagang, pawang residente sa nabanggit na barangay.
Nabatid na may nag-tip sa mga awtoridad na ginagawang drug den ang naturang bahay kaya agad itong sinalakay at dito nadakip ang mga pitong drug pusher.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 1 gramo ng shabu at 600 gramo ng marijuana sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments