7-Anyos nalunod sa ilog, patay
@Balitang Probinsiya | April 26, 2022
PANGASINAN – Isang 7-taong gulang na batang babae ang namatay nang malunod kamakalawa habang naliligo sa ilog na sakop ng Bgy. De Guzman,Mabini sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Regina Sabaiton, residente ng Taguig City.
Ayon sa ulat, habang naliligo sa ilog kasama ang kanyang mga kaibigan ay napagawi ang biktima sa malalim na bahagi ng tubig kaya ito nalunod.
Sumaklolo ang mga residente, pero hindi agad natagpuan ang biktima na lumubog sa ilog.
Napag-alaman na makalipas ang ilang oras ay natagpuan din ang biktima, pero patay na ito nang maiahon sa ilog.



Comments