6 tulak arestado sa drug den
@Balitang Probinsiya | September 30, 2022
PAMPANGA—Anim na drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa drug den sa Bgy. Dau, Mabalacat City.
Nakilala ang mga suspek na sina Wilfredo Pantanggi, Ana May Sampana, Gabriel Fernandez, Ranjay Pangilinan, Josh Robles at Roda Capero, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa naturang lalawigan.
Nabatid na may tanggap na impormasyon ang mga awtoridad na ginagawang drug den ang bahay sa naturang barangay, kaya agad itong sinalakay at dito nadakip ang mga drug pusher.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 12 gramo ng shabu sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments