6 Durugista, timbog sa drug den
@Balitang Probinsiya | August 15, 2022
TARLAC—Anim na drug addict ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa drug den sa Bgy. Poblacion A, Camiling.
Nakilala ang mga suspek na sina Ian Tiamzon, Dextie Dizon, Jeffrey Pascual, Arnel Elenzano, Ricarte Prudencio at Chris Gorospe, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa naturang lalawigan.
Nabatid na may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na ginagawang drug den ang naturang bahay kaya agad itong sinalakay at dito nadakip ang mga durugista.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 20 gramo ng shabu sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments