top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

5 Wanted na arsonista nasakote

BULGAR
May 28, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 28, 2022


ISABELA – Limang most wanted na arsonista ang nadakip ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Matusalem, Roxas sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nilang kasong arson sa lalawigan.


Napag-alaman na ang mga suspek ang itinuturo ng mga saksi na sumunog sa taniman ng mais sa nabanggit na bayan.


Nabatid na may nagbigay impormasyon sa mga awtoridad sa kinaroroonan ng limang arsonista kaya agad rumesponde ang mga operatiba at inaresto ang mga suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page