5 tulak, timbog sa drug den
- BULGAR

- Jul 26, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | July 26, 2020
CEBU CITY—Limang drug pushers ang naaresto sa isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa isang drug den kamakalawa sa Bgy. Basak San Nicolas.
Kinilala ang mga suspek na sina Lolito Layam, Lowell Layam, Renato Tacder, Nichol Jimeno at Lumar Saavedra, pawang residente sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga operatiba na may drug den sa naturang barangay kaya agad nagsagawa ng pagsalakay ang mga awtoridad at dinakip ang mga suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 67 gramo ng shabu at drug paraphernalia sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na pawang sinampahan ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments