top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

5 Sabungero tiklo sa tupada

BULGAR
May 24, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 24, 2022


QUEZON – Limang sabungero ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa isang tupadahan sa Bgy. Casuguran, Jomalig sa lalawigang ito.


Pansamantalang hindi muna pinangalanan ang mga suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa mga awtoridad na may mga nagsasagawa ng ilegal na sabong sa naturang lugar kaya agad itong sinalakay ng mga operatiba at dito nadakip ang mga suspek.


Nakakumpiska ang mga operatiba ng mga manok na panabong, cash at mga tari sa lugar na pinagdausan ng ilegal na sabong.


Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong illegal gambling.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page