5 Miyembro ng BIFF, sumurender
@Balitang Probinsiya | June 11, 2022
SULTAN KUDARAT–Limang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Bgy. Kalandagan, Tacurong City.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong terorista na pawang miyembro ng BIFF na nakabase sa Maguindanao.
Nabatid na isinuko rin sa mga awtoridad ang mga dala nilang armas at pampasabog.
Sinabi ng mga sumukong BIFF na nais na nilang magbagong-buhay kaya nagbalik-loob na sila sa gobyerno.
Isinasailalim pa sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong BIFF upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.



Comments