5 kasapi ng local terrorist group, sumuko
- BULGAR

- Jul 20, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | July 20, 2020
MAGUINDANAO—Limang miyembro ng Local Terrorist Group (LTG) ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Kamasi, Ampatuan.
Ang mga sumuko ay kinilalang sina Kiram Abdullah, Aladin Abdullah, Tong Salik, Gublas Sabay, Gianid Mindo, pawang miyembro ng LTG na nakabase sa nasabing lalawigan.
Nabatid na isinuko rin ng mga terorista sa mga awtoridad ang mga dala nilang armas at bala.
Ayon sa mga sumukong terorista, na kaya umano sila nagbalik-loob sa pamahalaan ay dahil nais na nilang magbagong-buhay.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong LTG upang matiyak ng mga awtoridad na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.



Comments