top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

4 Lasinggero tiklo sa liquor ban

BULGAR
May 10, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 10, 2022


AKLAN – Apat na lasinggero ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya nang mahuli sa aktong nag-iinuman kamakalawa kahit may ipinaiiral na liquor ban sa Bgy. Balabag, Malay sa lalawigang ito.


Ang mga suspek ay kinilala na sina Wenceclao Flores, Faustino Mangbin, Royola Aguilar at Rusty Castillo, pawang nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nahuli sa akto ng mga nagpapatrulyang tauhan ng pulisya ang mga suspek habang nag-iinuman kahit may liquor ban sa panahon ng eleksyon.


Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng mga alak sa pag-iingat ng mga suspek.


Napag-alaman na mga kasong paglabag sa liquor ban ang isasampa ng pulisya laban sa mga suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page