top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

4 katao sugatan sa trak vs. AUV

BULGAR
Oct 2, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 2, 2022


NUEVA VIZCAYA—Apat katao ang sugatan nang aksidenteng magkabanggaan ang isang trak at isang AUV (Asian Utility Vehicle) kamakalawa sa Bgy. Sto. Domingo Proper. Bambang.


Ang mga biktima ay nakilalang sina Jayson Uijano, Restino Nool, kapwa tubong Isabela; Reymark Gayanelo, tubong Pasig City at Pauline Deciano, tubong Cavite, at pawang nasa hustong gulang.


Ayon sa ulat, kapwa mabilis ang takbo ng trak na minamaneho ni Uijano na kinalululanan din ni Nool at AUV na minamaneho ni Gayanelo na kinalululanan din ni Deciano, kaya aksidenteng nagkabanggaan ang dalawang sasakyan sa naturang barangay.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang mga biktima.


Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, samantalang inaalam na ng pulisya kung sino ang may pananagutan sa naganap na aksidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page