4 bahay, tinupok ng apoy

@Balitang Probinsiya | January 21, 2021
CAPIZ—Apat na bahay ang tinupok ng apoy kamakalawa sa Bgy. 1, Roxas City.
Ang mga bahay na nasunog ay pag-aari ng mga pamilyang De Felipe, Harion, Encado at Padre-e, pawang nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, biglang sumiklab ang sunog sa bahay ni De Felipe at mabilis na kumalat ang apoy kaya nasunog din ang tatlo pang kabahayan.
Nabatid na wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.
May hinala ang mga awtoridad na faulty wiring ang sanhi ng sunog.



Comments