4 bagets na kawatan, tiklo
- BULGAR

- Aug 25, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 25, 2020
QUEZON—Apat na kabataang lalaki ang dinakip ng pulisya dahil sa pagnanakaw sa loob ng bahay kamakalawa sa Bgy.Candalapdap, Tagkawayan.
Dahil pawang menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang mga suspek.
Ayon sa ulat, nilooban ng mga suspek ang bahay ng biktimang si Susana Campos sa nasabing barangay.
Napag-alamang tanging baril ng biktima ang natangay ng mga suspek.
Kaagad nag-report sa pulisya ang caretaker ni Campos sa bahay na si Lolita Villafuerte at sa follow-up operations ay nadakip ng mga awtoridad ang mga suspek.



Comments