4 Adik tiklo sa drug den
@Balitang Probinsiya | July 23, 2022
CAMARINES SUR—Apat na drug addict ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Concepcion Pequena, Naga City.
Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang isinasailalim sila sa masusing imbestigasyon.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na gumagamit ng shabu ang mga suspek sa loob ng bahay ng isa sa mga adik, kaya agad itong sinalakay ng mga operatiba at dito nadakip ang apat na sugapa sa droga.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng 13 sachets ng shabu sa pag-iingat ng mga suspek.



Comments