3 Tulak, tiklo sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | July 15, 2022
QUEZON—Tatlong drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Cotta, Lucena City.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Rodrigo Quina, Michael Jaca at Reynaldo de Luna, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, nadakip ang mga suspek sa isinagawang buy-bust operation sa naturang lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 12 gramo ng shabu at marked money sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments