top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

3 Sugatan sa banggaan ng motorsiklo at tricycle

BULGAR
May 19, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 19, 2022


AKLAN – Tatlo katao ang sugatan nang aksidenteng magkabanggaan ang isang motorsiklo at isang tricycle kamakalawa sa Bgy. Linabuan Sur. Banga sa lalawigang ito.


Ang mga biktima ay nakilalang sina Inocencio Gumban, Degs Leyson at Francisco Repiedad, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, kapwa mabilis ang takbo ng motorsiklong kinalululanan ng magka-angkas na sina Gumban at Leyson at tricycle na minamaneho ni Repiedad kaya aksidenteng nagkabanggaan ang dalawang sasakyan sa naturang barangay.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.


Ginagamot na ngayon sa ospital ang mga biktima, at inaalam na ng mga awtoridad kung sino ang may pananagutan sa naganap na aksidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page