3 NPA na gustong magbagong-buhay sumuko
@Balitang Probinsiya | August 27, 2022
SULTAN KUDARAT—Tatlong miyembro ng New People's Army (NPA) na gustong magbagong-buhay ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Tibpuan, Lebak.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ang tatlong sumukong komunista na pawang kasapi ng NPA na nag-o-operate sa lalawigan.
Napag-alamang isinuko rin ng mga NPA ang mga dala nilang armas, bala sa subersibong dokumento sa mga awtoridad.
Ayon sa mga sumukong NPA, nais na nilang magbagong-buhay para makapiling ang kanilang pamilya kaya sumuko sila sa pamahalaan.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang tatlong sumukong komunista.



Comments