3 Mangingisda, timbog sa illegal fishing
@Balitang Probinsiya | July 20, 2022
PALAWAN—Tatlong mangingisda ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa pagsasagawa ng illegal fishing kamakalawa sa karagatang sakop ng Bgy. Diit, Agutaya.
Nakilala ang mga suspek na sina Ely Jimenez, Ronald Ralamisan at Allen Marquez, pawang nasa hustong gulang at mga residente ng San Jose, Occidental Mindoro.
Ayon sa ulat, dinakip ng mga awtoridad ang mga suspek dahil sa pangingisda sa nasabing karagatan nang walang kaukulang permit mula sa lokal na pamahalaan.
Nakapiit na ang mga suspek at sinampahan na sila ng pulisya ng kasong paglabag sa illegal fishing.



Comments