top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

3 Mangingisda, niratrat

  • BULGAR
  • Jul 17, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | July 17, 2022


CAMARINES SUR—Tatlong mangingisda ang sugatan nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa baybaying dagat ng bayan ng Tinambac.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na sina Francis Gamura, Eduardo Dulay at Jessie Marinay, pawang nasa hustong gulang at mga residente ng Calabanga sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, habang nasa baybaying dagat ang mga mangingisda ay sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang mga biktima.


Nang matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa isinagawang pamamaril ng mga suspek, samantalang inoobserbahan pa sa pagamutan ang mga biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page