top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

3 lolo arestado sa tong-its

  • BULGAR
  • Jun 27, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | June 27, 2022


AKLAN--Tatlong lolo ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nagsusugal ng tong-its kamakalawa sa Bgy. Calimjana, Makato.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Placido Tapal, 74-anyos; Jose Billiones, 71-Pacifico Traje, 67-anyos, pawang residente sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa himpilan ng pulisya na may mga nagsusugal sa nasabing lugar kaya agad sinalakay ng mga operatiba ang gambling den at dito nadakip ang tatlong lolo, samantalang nakatakas naman ang iba pang sugarol.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga baraha at cash sa pag-iingat ng mga suspek.


Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa tatlong lolo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page