3 katao, sugatan sa banggaan ng 2 pick-up
@Balitang Probinsiya | August 20, 2022
PALAWAN—Tatlo katao ang sugatan nang aksidenteng magkabanggaan ang dalawang pick-up kamakalawa sa Bgy. Tinitian, Roxas.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Esteve Barios, Hermie Bautista at Royette Salva, pawang nasa hustong gulang at mga residente sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, kapwa mabilis ang takbo ng pick-up na minamaneho ni Tupaz Barios na kinalululanan din ni Bautista at pick-up na minamaneho ni Salva kaya aksidenteng nagkabanggaan ang dalawang sasakyan sa naturang barangay.
Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.
Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, samantalang inaalam na ng pulisya kung sino ang may pananagutan sa naganap na aksidente.



Comments