top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

3 Katao, sugatan sa aksidente

  • BULGAR
  • Jul 30, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | July 30, 2022

AKLAN—Tatlong katao ang sugatan nang aksidenteng magkabanggaan ang motorsiklo at isang tricycle kamakalawa sa Bgy. Mangan, Banga.


Ang mga biktima ay nakilalang sina Richard Tupaz, 45-anyos, at mag-asawang Roseni at Hervinaldo Relimbo, kapwa nasa hustong gulang at pawang residente sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, kapwa mabilis ang takbo ng mga motorsiklong minamaneho ni Tupaz at tricycle na minamaneho ni Hervinaldo na kinalululanan din ng kanyang misis kaya aksidenteng nagkabanggaan ang dalawang sasakyan sa naturang barangay.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.


Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, samantalang inaalam na ng pulisya kung sino ang may pananagutan sa naganap na aksidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page